Ang Tatlong Utos

1. HUWAG KANG AAMIN

2. KUNG MASYADO NANG MALALIM, KAILANGAN NANG BUNUTIN

3. BAGO BUNUTIN, MAGTANIM
UTOS DAY OF OBLIGATION

Mga kapanalig, isa na namang dahilan para sumamba ngayong araw na ito. 

Mabuhay ka Ariella Arida. Mga kapanalig, sambahin ang diyosang ito. 

Humayo at magparami.

UTOS DAY OF OBLIGATION

Mga kapanalig, isa na namang dahilan para sumamba ngayong araw na ito.

Mabuhay ka Ariella Arida. Mga kapanalig, sambahin ang diyosang ito.

Humayo at magparami.

Si Ka Freddie ba ay kapanalig?
Dahil sa mga lumabas na balita tungkol sa buhay-pag-ibig ng isa sa mga alamat ng musikang Filipino, maraming nagtatanong kung si Ka Freddie ba ay kapanalig?
Una, nilabag ni Ka Freddie ang Unang Utos.
Ikalawa, nilabag niya ang GTO threshold at Lolita Threshold
at higit sa lahat, hindi siya si Michael Douglas.
Erehe man si Ka Freddie, isa naman siyang alamat. Isa kang rockstar Ka Freddie!
Pero sana, sinunod mo ang tatlong utos.

Si Ka Freddie ba ay kapanalig?

Dahil sa mga lumabas na balita tungkol sa buhay-pag-ibig ng isa sa mga alamat ng musikang Filipino, maraming nagtatanong kung si Ka Freddie ba ay kapanalig?

Una, nilabag ni Ka Freddie ang Unang Utos.

Ikalawa, nilabag niya ang GTO threshold at Lolita Threshold

at higit sa lahat, hindi siya si Michael Douglas.

Erehe man si Ka Freddie, isa naman siyang alamat. Isa kang rockstar Ka Freddie!

Pero sana, sinunod mo ang tatlong utos.

Anonymous asked: Kataas-taasan, ako po'y kumakaharap ngayon ng matinding bagyo. Halos patay na lahat ng tanim at wala na ring maani. Matagal na po kami, napakalalim na ng hukay na nagawa niya sa akin. Isa naman po siyang magaling na magsasaka. Sa mga unang taon namin, hindi niya po ako pinabayaan. Lagi niya akong inaaararo at dinidiligan. Nabakuran na din. Ang hindi ko alam, nitong mga nakaraang buwan, nabanggit po niya sa akin na kung pwede bang bawasan niya ang oras na ginugugol niya sa bukirin. Payo naman po.

Kapanalig,

Ako’y nagagalak na hindi lang magsasaka ang humihingi ng payo kundi isa ring masaganang bukirin tulad mo. Ngunit iyong pakatatandaan, isa ka ring magsasaka!

Huwag mong kalilimutang tulad niya, ikaw ri’y may banayad na kamay na mapag-aruga at may punlang maaaring itanim! Ituring mo ang sarili bilang magsasaka at hindi lang lupaing kailangang diligan.

Sana’y mas marami kang impormasyong ibinahagi. Kayo na ba? Nagliligawan? Mag-asawa? Kayo ba’y nasa high school, college, o nagtatrabaho na? Gayunpaman, abangan mo ang mga bagong aklat na ilalabas ng Kongregasyon patungkol sa Sining ng Pagpapahabol.

Samantalang wala pa ang aklat, bawas-bawasan mo ang paghahanap sa kanya. Iwas-iwasan mong magtext o magFB message. Huwag ka ring magpost ng mga parinig sa twitter. Kung hindi naman kayo, tumanaw ka muna sa ibang bukirin at umamoy ng ibang simoy ng hangin. Walang masama, basta hindi ka umaararo sa bukid ng iba.

Kung kayo nama’y nasa isang relasyon na, magfocus ka sa pagpapaunlad ng iyong sarili. Maging busy. Mag-aral ng bagong skill. Mag-aral kang gumawa ng kotse, magluto ng cronut, magpaint, magbasketball, kahit ano. Paunlarin ang sarili hanggang matanto mong hindi mo siya kailangan para lumago.

Hindi mo mapapansin, siya na mismo ang hahabol sa iyo.

Nawa’y nakatulong. Humayo ka at magparami.

Sundin ang tatlong utos.

Anonymous asked: Akala ng marami ay kami na dahil laging magkasama at sadyang parang magsyota umasta. Nang tanungin nya ako kung may gusto na ba ako sa kanya, sinabi kong wala at hindi yon mangyayari. Sinabi ko iyon dahil nainsecure ako sa mga ex nya at natatakot akong magbago ang turing namin sa isa't isa kung umoo ako. Sinabi nyang mabuti naman at alam kong hanggang magkaibigan lang kami. Matapos yon ay di na nya ako kinausap pa. Napahirap sapagkat araw-araw kaming nagkikita. Ano ang dapat kong gawin?

Kapanalig,

Pinalampas mo ang isang malaking pagkakataon. 

Bagamat tama ang iyong ginawa na hindi ka umamin, hindi mo siya dapat tinaboy. Hindi ka rin dapat tumanggi.

Kapag tinanong ka kung “May gusto ka ba sa akin?” Ang tamang sagot ay, “bakit, ikaw may gusto ka sa akin?”

Sa aking hinuha, lubos siyang nasaktan sa iyong pagtanggi. Gamitan mo ng sining ng dila. At kung magtanong siya ulit, halikan mo na lang bigla.

Nawa’y nakatulong. Humayo ka at magparami.

Sundin ang tatlong utos.

tagatingin asked: Supremo, ano po ang gagawin ko kung nakikita ko ang mga senyas na may pagkagusto sa akin ng isang babae pero hindi niya pa nilalabag ang unang utos (katulad yung mga sinabi mo kay kapanalig bubu0217)? Tama po ba na magassume ako? Salamat- tagatingin

Kapanalig na tagatingin,

Hindi maipapayo ang pag-aassume. Ang pag-aassume ay gawain lamang ng mga ekonomista. Ekonomista ka ba? 

Kung nakikita mo ang mga senyales na may pagtingin siya sa iyo, agad mong gamitin ang sining ng dila: mga gabay sa panlalandi. Iyo ring ipagpatuloy ang pagbungkal ng lupa at pagtatanim.

Lagi mong tatandaan, huwag na huwag kang lalabag sa UNANG UTOS kahit gaano kalakas ang tukso. Ang tanging exception dito ay ang viscoduck fineprint: “hangga’t hindi siya umaamin.”

Ngayon, kung sinusunod niya ang UNANG UTOS at tingin mo’y hindi siya aamin kahit kailan, isa lang ang natatanging panira sa tinatawag nating perpetual loop ng UNANG UTOS: Bigla mong halikan.

Humayo ka at magparami.

Sundin ang Tatlong Utos.

UTOS DAY OF OBLIGATION

Mga kapanalig, tumigil sa gawain at sambahin ang diyosang ito. 

Sundin ang tatlong utos.

UTOS DAY OF OBLIGATION

Mga kapanalig, tumigil sa gawain at sambahin ang diyosang ito.

Sundin ang tatlong utos.

Anonymous asked: Boss, isang munting katanungan; may isang babae akong nagustuhan. Kalaunan, nalaman kong may gusto din siya sa akin. Okay na sana ang lahat kaya lang, mahal ko pa din ang ex-girlfriend ko. Anong gagawin ko? -GG as in Galunggong

Kapanalig,

Maraming salamat sa iyong katanungan.

Unang-una, mahal ka pa rin ba ng ex mo? Kung mahal ka pa rin niy at mahal mo pa siya, e bakit mo siya ex?

Ikalawa, kung hindi ka na mahal ng ex mo, meron na ba siyang iba? Kung mayroon na, bumunot ka na. Kung wala pa, pag-isipan mo munang mabuti kung bakit mo siya naging ex.

Ikatlo, tiyak ka na bang mahal mo pa rin si ex? Baka namimiss mo lang ang pagtatanim.

Ikaapat, walang masamang makipagkaibigan sa bagong babaeng iyan, lalo’t nalaman mong may gusto sa iyo.

At huli, ikalima, sundin mo ang tatlong utos sa bagong bukiring iyan.

Humayo ka at magparami.

-Ang Kataas-taasang Propeta

Anonymous asked: Boss, kailangan ko lang patahimikin ang nag-aalab kong damdamin. Isang beses pa lang kaming nagkikita sa tunay na buhay pero madalas kaming magkausap online. We go to the same work place pero we hardly see each other. One time, napagdesisyunan naming lumabas. We started holding hands like nobody's around, hindi ko alam kung bakit ko siya hinayaan pero hindi ko to ginagawa sa iba. Hindi ko masabi kung tama ba, ikalawang beses pa lang naming pagkikita pero ika nga nila, "That escalated quickly."

Kapanalig,

Go lang. I-enjoy mo ang mabilis na “pag-eacalte ng mga pangyayari.”

Tiyakin mo lang na hindi ka lalalim at huwag ka munang magpapatanim.

Higit sa lahat, sundin mo ang tatlong utos.

Humayo ka at magparami.

TEAM GILAS PILIPINAS
Mga bayani ng tatlong utos.
Sapagkat bago nila bunutin, sila ay nagtanim! Mabuhay kayo!

TEAM GILAS PILIPINAS

Mga bayani ng tatlong utos.

Sapagkat bago nila bunutin, sila ay nagtanim! Mabuhay kayo!

CHITO MIRANDA

UNANG UTOS FAIL.Tayo’y magluksa sa paglabag ng ating idolong si Chito sa Unang Utos.
Alam na.

CHITO MIRANDA

UNANG UTOS FAIL.
Tayo’y magluksa sa paglabag ng ating idolong si Chito sa Unang Utos.

Alam na.

JANET LIM-NAPOLES
EREHE ng TATLONG UTOS.
1. Hindi umamin kung ninakawan nya ang mga magnanakaw na pulitiko
2. Bumunot bago lumalim, kaso lang may nakapansin
3. Nagtanim sa mga anak na pinangangalandakan ang kanilang kayamanan.
Ginamit niya ang tatlong utos sa maling paraan.
HUWAG TULARAN.

JANET LIM-NAPOLES


EREHE ng TATLONG UTOS.

1. Hindi umamin kung ninakawan nya ang mga magnanakaw na pulitiko

2. Bumunot bago lumalim, kaso lang may nakapansin

3. Nagtanim sa mga anak na pinangangalandakan ang kanilang kayamanan.

Ginamit niya ang tatlong utos sa maling paraan.

HUWAG TULARAN.

(Source: static.rappler.com)

Lumabag sa UNANG UTOS?

Isang katanungan mula sa ating kapanalig na si Mark:

"coach hingi ako ng payo. 

Isa po akong nurse, bale mas matagal na po ako nagtratrabaho kesa dun sa gusto kong babae. So medyo confident ako at madami na ding kaibigan doon. May bagong nurse doon, nung una lagi ko siyang binibiro ng pa Hi, hi. tapos I show that i Like her and even tell her That na parang pabiro. Ina I LOVE you ko pa nga. Pero ang totoo unti unti na kong nafafall sa kanya. Parang baliktad. Kaso ngayon medyo naiilang na ko, di na kagaya nung dati na parang andali dali sabihin ng lahat. Ngayon parang gusto ko siyang ligawan pero hindi ako kagwapuhan. Minsan nasabi nya pa na gusto nyo artistahin. Ouch. Ano po ba magandang diskarte na pwede kong gawin, Kasi alam na nya na may gusto ko sa kanya sa araw araw ba naman ng i ilove you ko sa kanya haha. Grabe, sarap ng feeling mainlove but at the same time ansakit ng feeling na hindi siya ang girl friend ko. Yung feeling na wala akong pag asa. Minsan din na text ko siya na “pag wala siya” nakakatamad mabuhay, pero di nag reply. ano po sa tingin mo ang tamang diskarte na pwede ko pang gawin? salamat po” 

-Mark


Kapanalig na Mark,

Una sa lahat, ikinalulungkot kong sabihin na bagamat pabiro kang nagsasabi ng I LOVE YOU sa kanya, dahil araw-araw mo itong ginagawa, lumabag ka sa UNANG UTOS. Marahil, sa paraan ng iyong pagsasabi, hindi pabiro ang dating nito sa kanya kundi isang seryosong pahayag na nagpupumilit magtago sa likod ng isang biro. Kung ika’y magbibiro, dapat nakalilito ang iyong mga banat. ‘Yung tipong hindi na niya masabi kung seryoso ka ba o hindi. 

Huwag na huwag mo siyang itetext ng mga cheesy shit tulad niyang “walang ganang mabuhay pag wala ka.” Hayaan mong siya ang unang magtext sa yo. Saka mo replyan ng “K.”

Kapanalig, naaamoy na niya ang pagkadesperado mo at umaalingasaw sa mga kilos mo na gagawin mo ang lahat para mapasaiyo siya. Ayaw nila ng desperado. Gusto nila ng in control.

Ang payo ko sa iyo ay bumunot ka muna at magpakalayo-layo. Bagamat hindi ka pa naman tiyak na malalim, doon ka na rin papunta. Kailangan mo munang bumunot, magnilay-nilay at planuhing muli ang istratehiya ng iyong pagsasaka. Subukan mo munang lumandi at magsaka sa iba.

Kapag hindi ka na desperado, saka ka magsimulang muli.

Nawa’y nakatulong.

Humayo ka at magparami.

Sundin ang tatlong utos.

Tatlong Utos Horoscope para sa 2013: TAURUS

Taurus

(April 20-May 20)

Marami kang haharaping pagsubok ngayong taong ito lalo na sa larangan ng pagsasaka. Magiging abala ka sa ibang bagay na baka mapilitan kang isangtabi ang iyong pagiging magsasaka pansamantala. Ang iyong panandaliang pagtigil sa pagsasaka ay isang magandang pagkakataon para ika’y makapagnilay-nilay. Maganda rin itong pagkakataon upang magpakadalubhasa sa iyong pag-aaral, sa sining ng pagsasaka at agrikultura.

Kailangan ng ibayong pagkalinga kung ika’y may kasalukuyang sinasaka. Susubukin ka ng tagtuyot, ng peste, at mga unos, kung kaya’t dapat kang maging handang maging mapagbigay at mapagpasensiya. Sumabay sa mga sakunang darating at sumayaw na tulad ng puno upang malampasan ang mga ito.

Sa mga may kasalukuyang sinasaka, pag-isipan mo munang mabuti kung lalaliman mo pa lalo ang hukay. Maging maingat sa pagtatanim at tiyakin na hindi ka masyadong malalim. Maaaring hindi ito tanggapin agad ng bukiring iyong sinasaka. Kausapin ang lupa. Bulungan ang pananim. Ipaintindi na ang pag-iwas mo sa pagpapalalim ay tanda lamang ng iyong masining na pagpaplano bilang mabuting magsasaka. Patayin ang mga peste ng kanyang pagdududa sa pamamagitan ng sining ng dila.

Humayo ka at magparami.

Sundin ang tatlong utos.

Tatlong Utos Horoscope para sa 2013: ARIES

image

Aries (March 21-April 20)

Magiging abala ang iyong 2013.

Mag-uugat nang malalim ang iyong mga pananim ngayong taon. May pupukaw sa iyong damdamin bilang isang magiting na magsasaka at mababawasan ang mga sandali ng iyong pag-iisa. Kailangan mong labanan ang ingay ng kapaligiran upang makahanap ng katahimikan at kapayapaan nang sa gayon, iyong madalumat ang mga tamang hakbang na dapat mong gawin upang maging matagumpay ang iyong pagsasaka. Matutukso kang labagin ang unang utos ngunit pag-ibayuhin mo ang pagsunod dito. Ito lamang ang magiging tanggulan mo laban sa tiyak na kapahamakan.

Magiging tigang ang iyong lupain sa simula ng taon lalo’t kung nagsisimula ka pa lamang magsaka. Ngunit ang mga itinanim mo na ay lalalim ngunit hindi tiyak kung yayabong. Magkakaroon ka ng maraming pagkakataon na 1) palalimin pa ang iyong pagbubungkal o 2) magkaroon ng panibagong sakahang aararuhin at dito masusubukan ang iyong tiyaga at pasensiya bilang isang mabuting magsasaka.

Habang tumatagal ang taon, lalong magiging banayad ang iyong mga kamay at bukirin na mismo ang magpapasaka sa iyo. Gamitin ito sa tama at sa mabuti.

Tandaan, matigas ang iyong ulo bagamat banayad ang kamay. Paminsan-minsan ay huminahon, payapain ang bugso ng puso, at pairalin ang malumanay na pag-iisip, pagninilay, at matalinong pagpaplano ng irigasyon at pagsasaka.

Humayo ka at magparami.

Sundin ang tatlong utos.

"May Gusto ka ba Sa Akin?"

supremo; ano po ba ang malupet na sagot sa lupa na: “May gusto ka ba sa akin?” ano ? Wala o ewan o iibahin ko ang usapan tsaka boss ano po ba ang tamang expression ng muka kung tatanongin ka ng ganito at kung sasagot ka ng tamang sagot na sinasaalaalang ang unang utos… help po asap. yohan kyou
 bluishflame1022

Kapanalig na yohan kyou,

Paumanhin at natagalan ang inyong alagad sa pagbibigay ng kasagutan. Pansamantalang naantala ang ating pagninilay-nilay sa mga aral dahil sa mga asikasuhing kamunduhan.

Hinggil sa iyong katanungan, kapag tinanong ka ng “May gusto ka ba sa akin,” simple lang ang dapat mong isagot:

“BAKIT, IKAW, MAY GUSTO KA BA SA AKIN?”

Tapos, halikan mo sabay alis.

Nawa’y nakatulong. Humayo ka at magparami.

Sundin ang Tatlong Utos