Ang Tatlong Utos

1. HUWAG KANG AAMIN

2. KUNG MASYADO NANG MALALIM, KAILANGAN NANG BUNUTIN

3. BAGO BUNUTIN, MAGTANIM
Ngayong Valentines…
Huwag kang pahuhuli!
Sundin ang Unang Utos: HUWAG KANG AAMIN!
Humayo at magparami!

Ngayong Valentines…

Huwag kang pahuhuli!

Sundin ang Unang Utos: HUWAG KANG AAMIN!

Humayo at magparami!

joaoAtienza

—19 x

Nagbabalik, mga kapanalig, ANG TATLONG UTOS.

Narito ang official hymn ng mga kapanalig. Musika ni Joao Atienza. Titik mula sa “Campus Love Song” ni Juan Ekis at DJ Rob at “Tatlong Utos” ni Juan Ekis.

atienzamusic:

Ang Gabay at Payo ni Juan Ekis kay Christian Vallez

UTOS DAY OF OBLIGATION.
Itinatakda ang araw na ito bilang UTOS DAY OF OBLIGATION.
Inoobliga ang lahat ng tagasunod at kapanalig na SUMAMBA.
Sambahin ang diyosang ito.
Amen.

UTOS DAY OF OBLIGATION.

Itinatakda ang araw na ito bilang UTOS DAY OF OBLIGATION.

Inoobliga ang lahat ng tagasunod at kapanalig na SUMAMBA.

Sambahin ang diyosang ito.

Amen.

bokgil asked: Kataastaasan, bless me for I have sinned. Nalabag ko po ang Unang Utos. Akin ko pong ikukwento sa inyo in person in the following days. I need help.

Kapanalig,

Panahon na para dumalo sa misa sa kapilya ng Haig at ilahad mo ang iyong kasalanan sa ating mga pastor. Gagabayan ka ng mga propeta.

Sana’y hindi masyadong malala ang pagkakamaling iyong nagawa.

Magdala ka ng alay na alak sa misa at tignan natin kung paano natin masosolusyunan ang nagawa mong pagkakamali.

Samantala, magsisi at gawin ang iyong penance: iumpog mo ang ulo mo sa pader nang sampung beses.

Humayo ka at magparami.

Sundin ang tatlong utos.

princessalyss asked: Kataastaasan,

Nagmahal ako nang di tamang oras sa isang taong hindi ko dapat mahalin, Hindi pa siya tapos sa kolehiyo (fine arts) ngunit ako'y nagtatrabaho na. Mahilig din siya sa mga bagay na hindi ko kinahiligan dati ngunit naging interesado ako kahit papaano.

Naging masaya naman kami ngunit dahil sa nalabag ko ang pangalawang utos sa nakaraang relasyon, patago itong nangyari. Hindi rin niya nagustuhan ang hiling ng magulang ko na magpaalam muna siya bago kami magkita dahil hindi niya nakasanayan ang paghigpitan ng magulang dahil lumaki siya sa kanyang lolo at lola na parang kulang sa gabay.

Hindi rin nagtagal ay bumigay siya at bigla nalang sinabing nahihirapan na siya at ilang araw pagkatapos siyang hindi nagparamdam ay naging sila na pala ng kaklase niyang parang babaeng version niya.

Binunot ko na rin ang nakaraan ngunit wala na yata itong magagawa pa dahil nakatagpo na siya ng iba. Ngayon ako'y nagiisa at balisa at di ko alam papaano ko pa maibabalik kahit ang pagiging kaibigan man lang namin kasi ayaw na raw niyang maalala ang nakaraan namin at mukhang wala na rin siyang pakialam nung huli ko siyang nakausap.

Humihingi po ako ng payo kasi di ko na po alam ang dapat gawin. Salamat :(

Kapanalig,

Wala kang dapat gawin kundi magpakasaya sa buhay mo at gawin nang mabuti kung anuman ang ginagawa mo.

Una, walang tao ang “hindi mo dapat” mahalin. Lahat ng uri ng tao ay dapat na minamahal. Nasa paglalagay mo na lamang sa lugar ng mga bagay-bagay ang magpapatama at magpapamali dito. Halimbawa, okay lang bang magmahal ng taong may asawa na? Oo naman. Mahal ko lahat ng barkada kong may asawa na. Gets?

Dahil nilabag mo ang pangalawang utos, nagbabayad ka ngayon ng iyong kasalanan. Bumangon ka at kalimutan na ang iyong pagkakasala. Pinatatawad ka na ng konseho basta’t ipangako mong hindi mo na ito uulitin. Upang itama ang iyong pagkakamali, kalimutan mo na siya. Dahil iniisip mo pa rin siya, HINDI KA PA RIN BUMUBUNOT!

Wala siyang kwentang magsasaka dahil madali siyang napagod at wala siyang tiyaga. Naghahanap lang iyan ng panandaliang ligalig. Hindi niya tipo ang magsaka. Ang gusto lang niya’y magpakasasa. Bullshit yang hindi niya gustong nagpapaalam siya sa magulang mo dahil lumaki siyang liberal. Bullshet. Tandaan mo, bullshet. Kaya ayaw niyang magpaalam sa magulang mo, kasi may maitim siyang balak sa iyo. Kati lang iyan ng laman. Mabuti at hindi kayo nagkatuluyan.

Ang bukirin, ayon sa mga aral ng tatlong utos, ay hindi hinahanap. Huwag kang mag-aksaya ng oras sa 1) Paghahanap ng bukirin, 2) Pag-iisip at panghihinayang sa mga pagsasakang Fail. Pagbutihan mo ang sarili mo at magpakadalubhasa sa ginagawa mo. Wala ka dapat paki sa mga lalake. Darating yan. Magugulat ka na lang na pinag-aagawan ka na pag nagfocus ka sa pagpapalupit ng sarili mo.

Huwag magmukmok sa nakaraan. Magfocus sa ngayon. Iyon lang ang pinakaimportante, ang lasapin ang sarap ng ngayon.

Nawa’y nakatulong.

Humayo ka at magparami.

Sundin ang tatlong utos.

ichanmrg asked: Magandang araw.
Nais ko lamang humingi ng gabay o payo sa inyo. Sabihin na natin na ako ay umiibig, pero di ito "ordinaryong pagibig" (sana po ay makuha nyo ang nais kong parating). Lagi ko syang hinihintay sa tapat ng building ng aming pinapasukang kolehiyo kada umaga. Di ko alam, pero hinahanap ko sya. Minsan ko lang sya makita, sapat na yun. Pero di ko na sya nakikita eh. Kahit pangalan nya, di ko alam. Ang alam ko lang sa kanya ang kanyang jacket na puti, itim at puting JanSport na bag, at puting earphones na suot nya.
Minsan ay hinanap ko talaga sya, at dun kami parang nagpakaramdaman. Lagi sya tumitingin at ako din. Di ko na lang nilagyan ng malisya.
Sa lahat ng sinabi ko, ang punto ko lang naman ay malakas ang tama ko sa kanya. :">
May mga pili lang akong kaibigan na nakakaalam ng sikretong ito. Sa tingin ko naman ay mapagkakatiwalaan ko sila,

Ang mga katanungan ko ay:
1. Kung kayo ang tatanungin, may pagasa ba na may "spark" sa aming dalawa?
2. Masyado na ba akong malalim?
3. Tama ba na sinabi ko ang pagibig ko na ito sa mga kaibigan kong pili?
4. Kung may pagasa, sa tingin mo, paano ito mangyayari?

Ako lamang ay naguguluhan. Kailangan ko ng iyong gabay.

Maraming salamat.

Kapanalig,

walang pag-ibig na “ordinaryo.” dahil kung ito ay “ordinaryong pag-ibig” lamang, hindi ito tunay na pag-ibig. lahat ng uri ng pag-ibig ay may topak at may sayad. ito ang dahilan kung bakit ang pag-ibig ay “worth it.”

Bilang tugon sa iyong katanungan:

1. May pag-asa ba ba na may “spark.” Naniniwala ako na habang may buhay, may pag-asa. Ngunit ikaw lamang ang makasasagot kung may kuryente ba ‘yan o wala. Damahin mo. Kung nakukuryente ka tuwing nagkikita kayo, may pag-asang magka-spark. Sa kasamaang palad, hindi kita matutulungang pa-isparkin ‘yan. Ikaw lamang ang makapagpapasabog ng mga kimi ninyong damdamin.

2. Hindi ka pa malalim. Sa katunayan, wala ka pang nahuhukay na lupain. Ngunit masyado mo nang inoover-analyze ang sitwasyon. Chill ka lang. Araruhin mo muna ang lupa. Gumawa ka muna ng hukay. Sa ngayon, wala pa tayong lalim na pinag-uusapan.

3. Tama bang sabihin ang pag-ibig mo sa mga kaibigang pili? Una, nagdududa akong pag-ibig na iyan. Sa kwento mo, kati lang yan ng laman o di kaya’y kuryente sa tuhod. Ang pag-ibig ay nagmumula sa bituka, hindi sa puso. Walang ginagawa ang puso kundi sumang-ayon at kulayan ang sigaw ng iyong bituka. Babala: iba ang kalam ng sikmura sa kalam ng bituka. Ang kalam ng sikmura ay gutom. Ang kalam ng bituka ay uhaw sa kagandahan ng sanlibutan. Ikalawa, ang pagsasabi ng anumang kalam sa piling kaibigan ay paglabag sa UNANG UTOS. Tandaan ang UNANG UTOS: HUWAG KANG AAMIN.

4. Paano ito mangyayari? Hindi iyan mangyayari. Kailangan may gawin ka. Walang bagay sa daigdig na nangyayari na lang. Lahat ng bagay sa daigdig ay sinadya at pinangyari. Kahit ang pagsikat at paglubog ng araw ay sinadya. Kung gusto mong may mangyari diyan, basahin mo si Isaac Newton at ang mga talata niya tungkol sa mga batas ng universe at physics.

Nawa’y nakatulong.

Humayo ka at magparami.

Sundin ang Tatlong Utos

cherryll28 asked: kailangan ko bang palayain ang taong aking minamhal dahil lang sa tutol ang aking mga magulang

kapanalig,

hindi ganoon kadaling isa-isang-tabi o basta na lamang sundin ang payo ng magulang ukol sa iyong minamahal.

Una, sa aking palagay, sagrado ang payo ng magulang. Subalit, hindi ito dapat sinusunod lamang nang pikit-mata.

Unawain mo ang pagtutol ng iyong magulang. Ikaw ba ay masyadong bata pa para sa isang relasyon? Ang minamahal mo ba ay walang kwentang lalake at tingin nila’y makasisira lamang sa buhay mo? Kausapin mo sila nang masinsinan at alamin ang dahilan ng kanilang pagtutol.

Ngayon, kung ang kanilang pagtutol ay walang basehan, at ika’y nasa tamang edad at tamang muwang na, at ang lalaking minamahal mo ay tapat at matino naman, ipaglaban mo siya.

Ngunit kung may katwiran ang magulang mo, isipin mong mabuti. Baka nga bata ka pa at nagpapadala ka lang sa tibok ng puson at kalam ng kalamnan.

Humayo ka at magparami.

Sundin ang tatlong utos.

bluishflame1022 asked: kataas-taasang juan x:
Nais ko po sanang umanib.... maaari po ba?

kapanalig na chicologist,

magmula ngayon ay tinatanggap ka namaing kaanib. basta isabuhay mo ang tatlong utos at ipalaganap mo ang mabuting balita sa lahat.

hintayin ang araw ng pagbibinyag ng mga kaanib.

humayo ka at magparami.

crazyjerkblog asked: Pano po ba magiging marahas at the same time MAGALANG? nabanggit niyo po sa "gabay" eh, di ko lang po mawari sa aking isipan kung papano ito gawin. - Chillaxer

kapanalig,

ang karahasan ay nagmumula sa antas ng katotohanang iyong sinasabi. Ibig sabihin, habang nagiging tahas sa iyong papuri, lalo itong nagiging “marahas.” Halimbawa: “Ang hot lang ng labi mo ngayon, pahalik nga,” o kaya “Huwag ka nang magsuklay, kawawa naman ung iba nating kaklaseng babae hindi na napapansin dahil sayo,” o kaya “alam mo kung saan bagay yang sexy mong balikat? sa braso ko.” ayan ay mga “marahas” o “violent” o “bold” na katotohanan.

Mapananatili mo itong magalang sa pamamagitan ng pagtitimpla. Bawas angas, dapat sincere o matapat ang pagkakasabi mo. Walang yabang pero may maamong tingin. Higit sa lahat, huwag kang hihirit ng green. Kung gayon, imbes na “pucha anlaki naman ng dibdib mo nakakalula,” (huwag na huwag mo itong ihihirit dahil hindi ito magalang) huwag ka na lang humirit. Itaas mo na lang ang dalawa mong kamay at sabihing: “suko na po ako.”

Pag tinanong kung bakit, sabihin mo: “naholdap kasi ako ng… kagandahan mo.” :P

Nawa’y luminaw.

Humayo ka at magparami.

Sundin ang tatlong utos.

crazyjerkblog asked: Worth waiting for! - Chillaxer salamat master :))

salamat. nawa’y marami kang napulot sa gabay.

Anonymous asked: "8. Lagi ka sa kanan. Kung lalandiin mo siya, dun ka lagi sa kanan niya. Huwag mo nang itanong kung bakit. Basta gawin mo na lang. Subok na ‘yan."

Pano pag kaliwete siya? Kanan parin?

hmm. magandang tanong. dahil iisa lang naman ang wiring ng left at right brain, ang sagot diyan ay oo. kahit kaliwete siya, dun ka pa rin sa kanan.

Ang Sining ng Dila: Gabay Sa Panlalandi

o kilala rin bilang “Aklat ng mga Plant Whisperer.”

Ilang mga tala mula sa aklat ni Propetang Ekis

May kasabihan ang mga kapanalig ng Tatlong Utos: ‘Kung ang daan patungo sa puso ng lalake ay sa kanyang sikmura, ang daan patungo sa puso ng babae ay sa kanyang tainga.’ Kaya madalas, nauuwi ang mga lalaki sa sining ng pambobola tuwing nais nilang dumiskarte. Bagaman may katotohanan ito, maraming interpretasyon ang kasabihang ito, at libu-libo ang aplikasyon. Narito ang ilang mga pamantayan na maaaring magamit ng ating mga kapanalig:

1. Iutos, huwag makiusap. Mas gusto ng bukid na sinasaka na siya ay inaararo at minamando ng magsasaka upang mamunga. Hindi uubra ang nagmamakaawa at nakikiusap na magsasaka. Sa takdang panahon at sa tamang pataba, ipupunla ang binhi nang may katiyakan. Kung gayon, huwag kang makikiusap sa kahit na anong bagay. Huwag mong hihingin. Angkinin mo. Iutos mo. Halimbawa, huwag “Pwedeng pa-kiss?” Dapat: “Asan na ang kiss ko?” (Seryoso, gumagana ‘to) Ang pinakamainam: “Hoy, kiss ko.” Huwag “pahawak naman sa kamay mo.” Kunin mo. Wala nang sabi-sabi. Marami ka pang satsat. Lalo’t magyayaya ng date. Huwag: “Kelan ka libre? Gusto mong magsine bukas?” Dapat: “Magsisine ako mamaya. Tara. Kita tayo sa Shang, alas sais.”

2. Magsabi ng totoo, huwag mambola. Ano ang pagkakaiba ng “blooming ka ngayon, bagay sa’yo soot mo,” sa “tangina ang hot mo lang ngayon?” Malaki. Yung una, pambobola. Yung pangalawa, pagsasabi ng totoo. Huwag ikahiya ang katotohanan. At huwag pabulaklakin. Sabihin mo nang deretsahan ang epekto ng kagandahang iyong namamalas. Pag tinanong ka kung bakit ka nakatitig, sagutin mo ng: “humanist kasi ako, nag-aapreciate lang ng beauty,” o kaya, “ikaw kasi pinakamaganda dito sa klase natin eh, kelangan kong madestress.” Maging matapang sa pagbibigay ng papuri. Maging makatotohanan. Maging marahas. Ngunit higit sa lahat, maging magalang.

3. Titigan mo ang iyong tinatanim. Mahirap nang magmintis. Baka lang dumaplis. Titigan mo siya habang sinasabi mo ang mga dapat mong sabihin. (Ngunit tandaan, huwag pa ring aamin.) Panindigan mo lahat ng lumalabas sa iyong dila. Titigan mo siya sa mata. Huwag kang matakot. Huwag kang aatras. Huwag kang matotorpe. Tumitig ka nang walang emosyon. Subukan mo siyang titigan habang sinasabi: “ang sarap mo lang halikan,” sabay alis. Email mo ako kung ano resulta. Ang masaganang ani ay para lamang sa matatapang mag-araro.

4. Ang bukid ang bida. Huwag na huwag kang magkakamali na ubusin ang oras para lamang ibida sa kaniya ang mga awards na napanalunan mo, ang posisyon mo sa trabaho, kung ilan na ang bukirin mo, kung magkano sinusweldo mo, at kung ano ang kotse mo. Wala siyang pakialam doon. (Kung interesado siya doon, maling bukirin ang sinasaka mo) SIYA ang usisain mo. Kilalanin mo siya. Ungkatin mo ang kaila-ilaliman ng kanyang kaluluwa. Araruhin. Dahil ang pag-aararo ay pagbubungkal ng lupa. At ang pagbubungkal ng lupa ay paglalantad ng kaluluwa. May word quota ang mga babae. Pag naabot nila ang words per day quota nila, saka pa lamang bubuka ang…kanilang puso. Sumagot ka lang ng tungkol sa iyo kapag tinanong ka. At ibigay mo lang ang importanteng impormasyon. Huwag kang magpasikat. Epal ka. Siya ang bida hindi ikaw. Pag qumuota na siya, pwede ka nang magsimulang “magsabi ng totoo.”

5. Hayaan ang mata ang magkwento. Minsan, mas epektibong kwentista ang mga mata. Huwag kang magsalita. Titigan mo lang siya at ikwento mo sa kanya ang lahat ng gusto mong gawin sa kanya gamit lamang ang iyong mata. Ibang klase ang resulta. Email mo rin ako kung ano ang resulta sa’yo.

6. Patawanin ang lupain. Hindi ko na ito kailangang ipaliwanag. Huwag lang green joke. Tandaan lamang na ang sense of humor ay palatandaan ng iyong antas ng katalinuhan.

7. Huwag kang magpacute sa text. Contrary to popular knowledge, ang pagtetext ng goodmorning at goodnight (araw-araw) ay hindi cute. Pag nagsimula na ang siklong ito ng pagtitext, tanda na ito ng pagiging malalim (tignan ang mga tala tungkol sa pagiging masyadong malalim). Ang pinakaepektibong text ay: “How was your day?” o “Kamusta araw mo?” bakit? Dahil neutral ang hirit na ito. Walang bahid-malisya. Nangangamusta lang, pero pinapaalam mo sa kanya ng naisip mo rin siya at the end of the day. Naisip mo kung nastress ba siya o natuwa siya ngayong araw. Isa pa, maaari itong maging simula ng mahabang kwentuhan. Kwentuhang walang lokohan, na maaaring maging simula ng isang “matalik” na pagkakaibigan.

8. Lagi ka sa kanan. Kung lalandiin mo siya, dun ka lagi sa kanan niya. Huwag mo nang itanong kung bakit. Basta gawin mo na lang. Subok na ‘yan.

9. Huwag humimas, humaplos lamang. Ang sining ng pagsasaka ay nakasalalay sa pagiging banayad ng kamay ng magsasaka. Huwag kang masyadong touchy. Pero huwag ka rin namang masyadong babagal-bagal. May tamang panahon at pagkakataon kung kailan ang sining ng dila ay nagiging sining rin ng kamay. Ang haplos sa braso ay mainam sa mga piling pagkakataon lalo’t biruan, harutan, o seryosong usapan. Ang himas ay sampal lamang ang katapat lalo’t may alak na shinashot. Maging banayad sa paghaplos. Ipadama mong wala kang masamang balak, ngunit padaluyin mo ang kuryente mo sa iyong balat at ibulong sa pamamagitan ng iyong palad na hindi maitim ang iyong balak…kundi berde…este, busilak ngunit may nakikimkim na lunggating nais sumambulat.

10. Ang Panlalandi ay Parang Susi. Tandaan: ang panlalandi ay parang susi. Para lamang ito sa isang kandado. Huwag mong gagamitin ang parehong istilo sa maraming bukirin. Tiyakin na specifically-designed para sa kanya ang panlalanding ginagamit. Una, hindi ka mahuhuling marami kang nilalandi. Pangalawa, mahuli ka mang marami kang nilalandi, okay lang dahil espesyal ang trato mo sa bawat isa. Hindi sila pare-pareho. Tandaan na ang bawat uri ng lupa ay may kani-kaniyang nararapat na binhi at pataba. Ikaw, bilang bihasang magsasaka ang nakakaalam ng tamang kombinasyon para makaani ka nang masagana.

Humayo kayo at magparami.

Sundin ang tatlong utos.

Anonymous asked: SINING NG DILA: GABAY SA PAGLALANDI -

ako lang ata naghihintay sa paglabas nito eh. :)) - Chillaxer

kapanalig na chillaxer,

paumanhin at medyo natagalan ang paglalathala ng SINING NG DILA: GABAY SA PAGLALANDI. Kasalukuyang abala ang konseho ng mga propeta sa ibang bagay. Ngunit huwag mag-alala, pipilitin naming matapos ito agad.

Saka hassle sa masel yung thesis at papers ko eh. Nakikisabay. Sagabal talaga ang pag-aaral sa pagiging propeta.

Anonymous asked: gusto ko pong mgtanong tungkol sa lalakeng chinechever(interesado) ako. nakilala ko xa sa fb pero my bf pa ako noon.nung single na ako bigla xa ngparamdam at ngyaya lumabas. tapos lumalabas na kami for 4 times in 2weeks. pero akoy sadyang naguguluhan sa nais nyang ipahiwatig sa akin. sinasabi nyang interesado siya. ngunit di siya maxado ngpapakita ng motibo. paminsan minsan lamang. anu po ba ito?

kapanalig,

malaki ang posibilidad na nakatagpo ka ng isang magsasakang bihasa sa mga gintong aral ng tatlong utos. ngunit kaduda-duda ang binanggit mong “sinabi niyang interesado siya.” depende sa pagsabi niya sa iyo, maaaring lumabag siya o hindi sa unang utos. kung nilabag niya ang unang utos, hindi niya alam ang ginagawa niya.

ano ang iyong dapat gawin kapag nakatagpo ka ng bihasang magsasaka?

i-enjoy ang kanyang pagsasaka. huwag mamadaliin. tandaan, ang prutas na hinog sa pilit, mapakla ang lasa. i-enjoy ang laro ng panghuhuli at pagtatago ng motibo.

para sa lubos na pag-eenjoy ng laro, sabayan mo siya, Guluhin mo ang isip niya. Huwag kang magpapahalatang interesado ka, hayaan mo siyang manghula.

Higit sa lahat, sundin mo ang tatlong utos.

Humayo ka at magparami.

Anonymous asked: mahal ko siya, at mahal din daw niya ako. (hindi ako lumabag ng unang utos dahil siya ang unang umamin at 6 na buwan siya nagantay para lang masabi ko na mahal ko rin siya) ngunit magkaiba ang plano namin sa buhay. at balang araw aalis din siya... mga 4 na taon siguro... masmabuti ba na bunutin ko na ito ngayon palang o di kaya ipaubaya na ang future kay batman?

Kapanalig,

Kung ako lamang ang tatanungin, personally, hindi ako naniniwala sa mga long distance relationship. ayon sa “theory of relativity,” mas malayo ang ikot ng isang bagay sa isa pang bagay, mas mababa ang hatak ng gravity nito. Hindi ito magbubunga. Lahat ng bukirin ay kailangang diligan, kung hindi, mamatay ang pananim.

Paano mo didiligan ang isang bukirin kung ang magsasaka’y nasa ibang ibayo?

Ito ay personal na opinyon ko lamang. meron din namang mga long distance relationship na gumagana. Ngunit ito ay nagtatagal lamang sa tindi ng kanilang pag-ibig at dahil na rin sa madalas na pagdidilig kahit sa pamamagitan ng pag-uusap. ngunit iba pa rin ang haplos ng mapag-alagang kamay ng magsasaka.

Kung sa apat na taon na iyon ay hindi niya nakikita ang inyong hinaharap, walang sense ang inyong pagsasaka. Bunutin mo na.

Nawa’y nakatulong.

Humayo ka at magparami.

Sundin ang tatlong utos.